Mga senyales na acidic ang ating katawan at papano ito gamutin

Mayroong iba’t ibang klase ng mga sakit at karamdaman na maaaring maranasanan ng kahit na sinong tao sa kanilang buong buhay. Ang ilan sa mga ito ay maaaring mabigyan ng lunas sa tulong ng mga gamot at natural na pamamaraan. Sa kabilang banda, ang ilan naman sa kanila ay talagang malala at kinakailangan ng matinding pagsusuri at ang iba pa nga ay sumasailalim sa operasyon. Kaya’t nararapat lamang na alagaan ng tao ang kanilang pangangatawan upang hindi humantong sa ganitong kalagayan.

Isa ka ba sa mga tao na kilala bilang acidic? Lingid sa kaalaaman ng nakararami na ang pagiging acidic ay nangangahulugan lamang na ikaw ay mayroong problema sa iyong pangangatawan at sinasabing ito ay hindi malusog. Kapag ang katawan ng isang tao ay acidic o sobra ang taglay na acid sa loob nito, ito ay may malaking tyansa na magkaroon ng iba’t ibang klase ng mga sakit at karamdaman. Mayroon ding mga pagkakataon na kung saan ang mga importante at mahahalagang parte ng iyong katawan at maging ang mga buto nito ay makulangan sa kanilang mga kinakailangan na vitamins at minerals. Ang mga minerals na ito ay kagaya na lamang ng potassium, calcium, sodium, at magnesium na maaaring maging sobrang mababa at magresulta sa pagkakaroon ng sakit na acidosis.

Ang acidosis ay hindi isang simple at maliit na problema lamang, hindi ito dapat balewalain at hindi bigyan ng tamang pansin. Ang kahit na anong uri ng sakit ay dapat bigyan ng pansin at gawan ng paraan upang agad na malunasan. Hindi mo malalaman kung kailangan lalabas ang sintomas na mayroon ito at kung sakaling ito ay lalabas, hindi mo malalaman kung ano ang maaari mong gawin upang malunasan ito. Kaya lubhang mahalaga na magkaroon ng kaalaman patungkol sa mga ganitong uri ng sakit upang hindi mahirapan at malunasan ito sa lalong madaling panahon.

Ang mild acidosis o poor pH balance ay maaaring maidulot ang mga sumusunod:

  • Ito ay maaaring makapagdulot ng immune deficiency
  • Ito ay magdudulot ng pananakit ng leeg o stiff neck, sciatica at lumbago.
  • Ito ay makapagbibigay ng problema sa oral kagaya na lamang ng pagkakaroon ng cavities at inflamed sensitive gums.
  • Ito ay maaaring makapagdulot ng problema sa respiratory system at pagkakaroon ng cough o ubo.
  • Ito ay makapagdudulot ng sobrang pagkapagod o fatigue at mababang antas ng enerhiya.
  • Ito ay makapagbibigay ng problema o sakit sa puso.
  • Ito ay nakapagdudulot ng impeksyon sa parehong bladder at kidney.
  • Ito ay nakapagdudulot ng sakit na osteoporosis.
  • Ito ay maaaring makapagdulot ng nausea o pagduduwal, vomiting o pagsusuka at pagkalito o confusion.
  • Ito ay nakapagbibigay ng pananakit ng ulo o headache at pagiging antukin o sleepiness.
  • Ito rin ay maaari ring makapagdulot ng allergies at pagkakaroon ng acne.
  • Ito ay isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng joint pain at pagsakit ng kalamnan o aching muscles.
  • Ito ay nakapagdudulot ng premature aging o pagkakaroon ng wrinkles.
  • Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit nagiging obese ang isang tao at bakit nadadagdagan ang kanilang timbang.
  • At higit sa lahat, ito ay nakapagdudulot ng pagdami at paglaki ng yeast fungal.

Ang dairy, grains, meats at sugar o asukal ay kilala bilang mga pagkain na siyang nakapagdudulot ng pagkakaroon ng acid sa katawan. Ito rin ang uri ng mga pagkain na madalas na kinakain ng mga tao sa pang araw araw, ito ay madalas na nasa almusal, tanghalian at hapunan. Kapag ang metabolism ay kasalukuyang nagproproseso, ang katawan ng tao ay naglalabas ng acidic waste products na kinakailangang ineutralize o pigilan at iexert o ilabas. At upang magawa at maging possible ang bagay na ito, kinakailangan ng tao na mas kumain ng mga pagkain na mayroong taglay na alkaline.

Ang kasalukuyang antas ng acidification ay maaaring malaman sa tulong at sa pamamagitan ng pH testing. At upang malaman o masukat ang healthy average pH, ito ay dapat nasa pagitan ng sukat na 6.75 hanggang sa 7.25.

Upang mapabuti ang iyong alkalinity at upang maiwasan o malunasan ang problema sa acidity, kailangan mong tandaan ang mga sumusunod:

  • Kinakailangan mong alisin sa iyong diet ang mga pagkain na mayroong taglay na acid.
    Uminom ka ng tamang dami ng tubig, ang nirerekomenda na dami ng tubig na dapat inumin ng isang tao sa isang araw ay umaabot sa walong (8) baso ng tubig o higit pa.
  • Kinakailangan mo ring madalas na icheck ang antas at kalagayan ng iyong pH.
    Haluan mo ang iyong pang araw araw na pagkain ng mga green leafy vegetables at ilang mga prutas upang mapabuti ang kalusugan ng katawan.
  • Bawasan mo rin ang pagkain ng mga processed foods na hindi maganda para sa katawan ng tao.
    Palitan mo ang parehong soda at coffee ng herbal tea at green drinks na di hamak na mas masustansiya at nakatutulong para sa kalusugan ng katawan.
  • Maaari mo ring subukan ang pagkonsumo ng coconut milk o almond milk kaysa ang tradisyunal na dairy milk na madalas na kinokonsumo ng mga tao.
  • Bukod pa riyan, dapat lang din na iwasan at bawasan ang bisyo na madalas mong ginagawa kagaya na lamang ng madalas at sobrang paginom ng alak at maging ang paninigarilyo sapagkat wala naman itong naidudulot na maganda para sa katawan at kalusugan ng isang tao.

Mas maganda kung aalagan mo ang iyong katawan ng mabuti upang hindi magdusa o magkaroon ng mga sakit na siyang magpapahirap sa iyo sa paglipas ng panahon. Ang pagkakaroon ng sakit ay lubhang magastos at talagang mabubutas ang iyong bulsa, wala rin namang tao ang may kagustuhan na magkaroon ng kahit na anong uri ng sakit. Kaya palakasin mo ang iyong katawan at alagaan ito ng mabuti upang hindi na gumastos at mamoblema pa. Sabi nga nila “prevention is better than cure.” Agapan mo na ito habang maaga pa upang hindi magsisi sa huli. Ang iyong kalusugan ang natatangi yaman na mayroon ka. Huwag mo itong balewalain at pahalagahan mo ito ng mabuti.

Ibahagi mo rin ang artikel na ito sa iyong mga kaibigan, mga kapit bahay at mga mahal sa buhay upang sila ay magkaroon ng kaalaman patungkol sa health problem na ito at kung paano nila ito maiiwasan.

You may also like...