12 Paraan para labanan ang mataas na BP gamit ang mga herbs at spices na ito

Mayroong iba’t ibang uri ng mga herbs at spices na nagtataglay ng bioactive compounds na siyang nakatutulong upang bumaba ang blood pressure ng isang tao. Ang mga herbs kagaya ng thyme, sweet basil, hibiscus, phyllanthus, Indian snakeroot at kahit na ba ang ashwagandha na siyang nakatutulong upang mapababa ang mataas na antas ng blood pressure. Ang pagdagdag ng spices sa iyong mga pagkain katulad ng garlic, ginger, turmeric, cardamom, saffron at cinnamon ay makakatulong din sa ganitong paraan.

Alam naman siguro ng lahat ng tao na ang paglaban sa blood pressure ay umiikot lamang sa pagkain ng mga masusutansiyang pagkain at pagkakaroon ng magandang lifestyle. Paano kung sasabihin naming sa inyo na maaari ring makatulong ang paggamit ng herbs at spices para labanan ang health issue na ito? Tama ka, ang mga sangkap na ito na maaaring makita sa loob ng kusina ay nagtataglay ng napakaraming tulong para sa iyong kalusugan. At isa na sa mga ito ang kakayahan nitong matulungan ang tao sa pagbalanse at pagkontrol ng kanilang blood pressure.

Ibabahagi naming sa inyo ang ilan sa mga herbs at spices na maaari ninyong ihalo sa inyong pang araw araw na pagkain upang makontrol ang inyong blood pressure. Maaari ka ring komunsulta sa isang Ayurvedic doktor o isang experienced herbal practitioner bago mo tuluyang gamitin ang mga herbal medicines na ito upang matulingan nila kayo kung papaano ninyo ito gagamitin ng tama at ilang dosage ang tama para sa inyo.

Narito na ang ilan sa mga herbs at spices na makakatulong sa inyo:

  • Thyme

Ang mabangong thyme na ito ay hindi lamang mabisa sa pagpapasarap ng inyong pagkain ngunit nakakatulong din para sa pagpapababa ng antas ng inyong blood pressure. Ang mga eksperto ay nagsasabi na ang thyme ay nakatutulong din sa pagpapakalma sa mga muscles at blood vessels ng katawan. Bukod pa riyan, ayon sa isang animal study, hindi lamang nito tinutulungan ang blood pressure ngunit nagdadala pa ito ng nakakamanghang pagbabago sa pagganda ng biochemical at damages sa arteries na may kauganyan sa hypertension. Kaya maglagay ka ng thymes sa iyong mga soups at stews upang mapasarap at matulungan ka rin sa iyong kalusugan.

  • Sweet Basil

Ang sweet basil ay noon pa man nirerekomenda ng traditional na Chinese medicine upang bigyan ng lunas ang mga problema sa puso at sa panahon ngayon, ito ay binackupan na ng ilang mga pagaaral. Ang ilan sa mga pagaaral na siyang isinagawa sa mga hayop ay nakadiskubre na ang sweet basil ay maaring babaan ang antas ng hormones na endothelin 1 at angiotensin 2 na parehong konektado sa mataas na antas ng blood pressure. Ang sweet basil ay mayroong importantang parte sa mga lutuing Italian na madalas na naihahalo sa tomato flavored na mga pagkain. Maaari mo rin itong ihalo sa ilang marinade at sauce ng pasta, lalong lalo na sa sauce ng pesto.

  • Hibiscus

Alam mo ba na ang tasa ng isang deep red hibiscus tea ay maaaring makatulong sa pagkontrol ng iyong blood pressure? Ito ay gawa sa dried sepals ng hibiscys flower, ito ay mayroong tart at maasim na lasa. Sa isang pagaaral, ipinapakita na ang mga tao na mayroong mild hypertension na siyang umiinom ng hibiscus tea sa pang araw araw sa loob ng anim na linggo, ay naging maganda ang antas ng kanilang blood pressure. Ang mga tao na mayroong mataas na antas ng blood pressure bago pa sila gumamit ng hibiscus tea bilang gamot ay nagpapakita ng magandang resulta. Kaya dapat lamang na uminom ka ng mahigit tatlong tasa ng hibiscus tea upang hindi na mamoblema pa.

  • Phyllanthus 

Ang isang pagaaral na siyang isinagawa sa mga hayop ay nadiskubre na ang katas na mula sa dahon ng phyllanthus amarus ay mayroong kakayahan na mapababa ang antas ng blood pressure ng isang tao. Bukod pa riyan, ipinapakita din nito ang isang magandang epekto sa diastolic blood pressure kaysa sa systolic blood pressure. Ang kakayahan na mayroon ang herb na ito ay nanggaling sa calcium channel ion blockade at sa relaxation ng mga muscles sa iyong blood vessels. Ang calcium channel blockers ay tumutulong sa pagtigil sa pagpasok ng calcium sa loob ng haligi ng mga blood vessels na siyang nagpapaluwang at nagpaparelax sa mga ito na nagreresulta sa pagbaba ng blood pressure.

  • Indian Snakeroot

Ang herb na ito ay matagal ng ginagamit sa Ayurveda upang lunasan ang iba’t ibang klase ng mga kondisyon. Ang presensiya ng alkaloid na kilala bilang reserpine ay nakapagbibigay ng isang malakas na hypotensive property. Bago mo ito gamitin, magtanong ka muna sa isang healthcare professional upang makasigurado sa dosage na iyong gagamitin at maiwasan ang pagkakaroon ng side effects kagaya ng abdominal pain at depression na siyang delikado rin para sa iyo. Ang sobrang paggamit nito ay hindi maganda para sa kalusugan ng tao.

  • Ashwagandha 

Ang ashwagandha ay isa pang uri ng herb na maaaring gamitin bilang gamot sa hypertension na nagmula pa sa Ayurveda. Ang dalawang gm ng ashwagandha root powder ay maaaring inumin kahalo ng gatas sa umaga ng mga taong may hypertension sa loob ng tatlong buwan, at makakakita sila ng magandang resulta sa parehas na systolic at diastolic pressure. Bago mo ito gawin, kausapin mo muna ang iyong doktor patungkol sa remedy na ito.

  • Garlic

Walang katulad ng garlic pagdating sa pagpapasarap ng kahit na anong uri ng lutuin at lingid sa kaalaman ng nakararami na nakakatulong din ito pagdating sa mataas na antas ng blood pressure. It ay may compounds na alliin na maaaring maging Allicin kapag ito ay hiniwa at pinino. Ang Allicin ay may kakayahan na pigilan ang angiotensin 2, isang hormone na dahilan sa pagsikip ng mga blood vessels. Upang lumuwang ang iyong bloos vessels at bumaba ang iyong blood pressure, gumamit ka ng garlic powder, at idagdag mo lamang ang ilang piraso nito sa iyong mga lutuin.

  • Cardamom

Ito ay isang pangkaraniwang sangkap na matatagpuan sa Scandinavian, Middle Eastern at mga Indian na lutuin. Ito ay mayroong positibong epekto para sa hypertension. Sa isang pagaaral, ang pagkakaroon ng 1.5 gm ng spice na ito ng dalawang beses sa loob ng labing dalawang linggo ay napakapagbigay ng kakaibang epekto sa pagpapababa ng antas ng blood pressure sa mga participants. Ang isang compound na kilala bilang cineole ay taglay ng cardamom na siyang nakatutulong ng higit sa kondisyon na ito at meron din itong iba pang katulong kagaya ng limonene, myrcene, at terpinolene na talagang nakakatulong din.

  • Ginger

Ang ginger ay isang pang spice na nakakatulong din sa pagpapababa ng blood pressure. Tumutulong ito sa pagbabawal sa voltage-dependent calcium channels. Nakakatulong din ito sa pagpapaganda ng sirkulasyon ng dugo. Maaari mo itong idagdag sa salads, soups at iba pang mga lutuin. Pwede ka ring gumawa ng isang tsaa mula sa sangkap na ito.

  • Cinnamon

Ang maanghang at matamis na cinnamon na ito ay maaaring makatulong sa paglaban sa mataas na antas ng blood pressure. Isang pagaaral ang siyang nagpakita na ang resulta mula sa tatlo pang pagaaral ay nadiskubre na ang cinnamon ay nakapagpapababa ng systolic at diastolic blood pressure. Ang cinnamaldehyde na isang uri ng compound na taglay ng cinnamon ay nakatutulong sa problema na ito sa pamamagitan ng pagpapalawak sa blood vessels. Gayunpaman, may magiging epektibo ito kung ang pataas ng blood pressure ay mayroong koneksyon sa mataas na antas ng blood sugar sapagkat maaari rin nitong pababain ang insulin na mas makakatulong sa pagpapababa ng antas ng hypertension.

  • Saffron

Isa itong exotic na spice na siyang nakakatulong sa blood pressure. Isang pagaaral sa mga hayop gamit ang saffron ay may kakayahan na pigilan ang pagtaas ng blood pressure at harangan ang pagbabago nasa aorta na konektado sa hypertension. Ang safranal at crocin na flavonoids na mayroon ang saffron ay mayroong positibong epekto para sa tao. Kailangan mo lamang na magdagdag ng saffron sa ilang lutuin upang gumanda ang iyong kalusugan.

  • Turmeric

Ang turmeric ay isang golden yello na spice na nagbibigay kulay sa curry at nakakatulong din para sa sakit na hypertension. Ang ilang lab studies ay nagpapakita na pinipigilan nito ang angiotensin converting enzyme. Ang enzyme na ito ay responsible sa pagpapadami ng angiotensin 2 na siyang nagpapasikip sa mga blood vessels. Ilang pagaaral pa ang siyang nagpapakita na ang curcumin, isang compounds na mayroon ang turmeric ay maaaring mapigilan ang pagkasira ng mga arteries ng dahil sa high blood pressure. Idadag mo lamang ito sa ilang mga lutuin upang gumanda ang iyong pakiramdam at makuha ang mga benepisyo na taglay nito.

You may also like...