Pano linisin ang baga ng mga taong naninigarilyo at sa mga tumigil na

Ang paninigarilyo ay isa sa mga matagal ng pinoproblema ng iba’t ibang bansa saan mang sulok ng mundo. Sa modernong panahon ngayon, hindi Malabo na makita ng ating mga mata na pati narin ang ilan sa mga kabataan at teenager ay naninigarilyo na. Ang tobacco o ang cigarette ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga klase ng sakit na hindi nakakahawa na siyang nagiging sanhi ng pagkamatay ng halos sampung Pilipino sa bawat oras na lumilipas. Ayon sa isang survey na siyang ginawa ng Global Youth Tobacco Survey noong 2015, mayroong halos 12% ng mga estudyante na nasa edad na 13 hanggang sa 15 ay naninigarilyo na. Sinasabi rin na tatlo sa sampung Pilipino ay mga adult smokers.

Totoo nga ang babala na siyang sinasabi at nakasulat sa labas ng pakete ng mga sigarilyo kagaya na lamang ng “Cigarette Smoking is Dangerous to your Health.” Ang paggamit ng sigarilyo o ang paninigarilyo ay sadyang nagdudulot ng iba’t ibang klase na mga negatibong epekto sa iyong kalusugan sa maraming paraan. Ang epekto na naidudulot nito ay dahil sa iba’t ibang klase ng mga lason na siyang nilalaman ng sigarilyo kagaya na lamang ng nicotine, na isang kemikal na siyang nakaka-addict, carbon monoxide, na isa ring uri ng kemikal na siyang makikita sa tambutso ng mga sasakyan, hydrogen cyanide, isa pang uri ng kemikal na siya na mang matatagpuan sa mga bomba at marami pang iba. Kung ito’y ating pagsasamahan lahat, mayroong mahigit 400 na uri ng iba’t ibang lason sa isang karaniwang sigarilyo.

Kung ating iisa isahin ang mga masasamang epekto na mayroon ang sigarilyo ay napakarami nito at ang ilan dito ay aming ipapakita sa inyo upang malaman ninyo ang naidudulot nito sa inyong kalusugan. Narito ang ilan sa mga masamang epekto nito:

  • Ang pinakakilala sa lahat ay ang lung kanser sa baga. Masasabi na mahigit 80% ng lahay ng lung kanser ay maiuugnay sa paninigarilyo. At kung iisipin, hindi lamang kanser sa baga ang kayang idulot ng paggamit ng sigarilyo. Marami pang iba’t ibang uri ng kanser ang maari maidulot ng paninigarilyo kagaya na lamang ng kanser sa bibig at lalamuna, kanser sa pantog at bato, kanser sa tiyan at matris at marami pang iba.
  • Para sa inyong kaalaman, hindi lamang kanser ang kayang idulot ng paninigarilyo sa inyong kalusugan dahil ito rin ay may kakayahang magpataas ng posibilodad na magkaroon ng atake sa puso o heart attack sa ingles at iba pang klase ng uri ng mga sakit sa puso at maging sa ugat ng dugo o vascular diseases sa ingles.
  • Ang madalasang paninigarilyo ay maari ring magdulot ng COPD, kilala bilang isang malubhang sakit sa baga na mayroong mga sintomas kagaya na lamang ng ubo, plema, hapo, hirap sa paghinga at madalas na panghihina. Pinapalala rin ng paninigarilyo ang iba pang mga sakit sa bagay kagaya na lamang ng hika or asthma sa ingles.
  • Para sa mga babae, ang paninigarilyo habang sila ay may pinagbubuntis ay maari makaapekto at makasira sa kanilang pagbubuntis at panganganak. Mayroong malaking tyansa na sila ay maagasan o mapaaga ang panganganak ng sanggol at magdulot sa kaniya ng hindi inaasahang kamatayan.
  • Sa mga lalaki naman, ang paninigarilyo ay maaring magdulot ng pagkabaog o hindi pagkakaroon ng anak, kawalan ng abilidad na patigasin ang kanilang ari o impotence sa ingles at kanser sa ari ng lalaki o penile cancer sa ingles.
  • Bukod pa sa mga nasabing negatibong epekto nito, marami pa ang mga sakit na maaring maiugnay sa paninigarilyo. Ang paggamit ng sigarilyo ay nakakapagdulot din ng bad breathe o ang pagkakaroon ng mabahong hininga at maging ang paiitim ng mga labi at pagdilaw ng mga ngipin.

Sa oras na ikaw ay gumamit ng sigarilyo, maaring mapuno ng mga toxins ay iyong katawan at ito ay nakakasama sa iyong kalusugan at kailangan mo itong alisin sa lalong madaling panahon bago pa man magdulot ng mga nasabing negatibong epekto sa itaas.

Sa artikel na ito, inyong mababasa at matutuklasan ang isang klase ng resipe na siyang napakabisa at nagtataglay ng mga natural na sangkap upang makatulong sa pagalis ng mga toxins na siyang nanggaling sa paninigarilyo.

Ito ang mga sangkap na iyong kakailanganin:

  • Sibuyas
  • Luya
  • Turmeric

Matagal nang ginagamit ng mga tao hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa ang luya dahil sa kakayahan nitong makagamot at makapag alis ng sobrang mucus sa baga.

Sa kabilang banda, ang sibuyas naman ay madalas na ginagamit sa pagluluto na siyang matatagpuan sa kusina dahil mayaman ito sa anti-cancer properties at mabisa rin ito sa pagpigil ng mga sakit na may kaugnayan sa baga.

Ang turmeric naman ay kilala na mayaman sa mga vitamins, minerals at omega-3 fatty acids. Ito rin ay naging kilala dahil sa malakas nitong antiviral, antibacterial at anti-cancer properties.

Mga Sangkap:

  • 1 litro ng tubig
  • 400 grams ng sibuyas
  • 2 kutsara ng powdered turmeric o isang ugat ng turmeric na siyang kasinlaki ng hinlalaki
  • 400 grams ng asukal o maari ring honey o maple syrup para mainam na alternatibo
  • 1 ugat ng ginger na kasinlaki ng hinlalaki

Mga preparasyon na kailangang gawin:

Ang kakailanganin mo lamang na gawin ay ihalo ang tubig sa asukal o sa alternatibong honey o maple syrup at ito ay iyong painitan. Maghintay ka ng ilang minute hanggang sa ito ay tuluyan ng kumulo. Pagkatapos ay iyong tadtadrin ang parehas na luya at sibuyas. Ilagay mo ito sa pinaghalong tubig at asukal. Haluin ng mabuti ang resipe na ito.

Babaan mo ang init na mayroon ang apoy sa katamtaman at kapag napakuluan na ng mabuti ang mixture na ito, idadag mo na rin ang turmeric.

Hayaan mo lamang na ito ay nakababad sa apoy hanggang sa iyong mapansin na nasa kalahati na lang ang tubig sa lagayan. Pagkatapos ay salain mo ito at ilagay sa isang babasagin na lagayan. Maari mo rin itong itago sa loob ng inyong pridyeder kapag lumamig na ito hanggang sa maging room temperature.

Inumin moa ng resipe na ito sa pang araw araw, mahigit dalawang (2) kutsara, isa sa umaga at panibagong kutsara sa gabi at hindi dapat kukulang sa dalawang (2) oras bago ka kumain.

You may also like...