Alamin kung papano magkaroon ng libreng supply ng bawang sa inyong bahay

Ang kalikasan ay pinagkalooban tayo ng samu’t saring mga halaman na makakatulong sa ating pang-araw araw na pamumuhay. Mayroong mga malalaki at matitibay na punong kahoy na maaari nating gamitin upang gumawa ng tahanan, mayroong mga halamang gamot na nakapagpapagaling sa atin, marami rin ang pwede nating gawing dekorasyon at palamuti sa bahay, at meron din namang mga makapagpapabusog sa atin.

Ilan lamang yan sa mga benepisyong ibiniyaya sa atin ng Inang Kalikasan. Ang bawat halaman ay may kaniya kaniyang pakinabang sa ating buhay. Ngunit, mayroon ding mga pinagpala na magkaroon ng dalawa o higit pang benepisyo sa mga tao. Halimbawa na lamang ang mga punong ginagawa nating bahay, sa mga ito rin yari ang mga papel na ginagamit natin sa eskwela. Ang mga halamang palamuti ay nakaka-absorb din ng polusyon at nagbibigay ng sariwang hangin, kaya mas nagiging maaliwalas ang ating tahanan. At siyempre, hindi pwedeng hindi mabanggit ang mga halamang nakakain na hindi lamang malasa, kundi may mga dulot pang maganda sa ating kalusugan.

Isa na rito ay ang garlic o bawang. Ito ay isang shrub na tunay na nagdadagdag ng kakaibang lasa sa mga pagkain. Kaya naman, hindi maikakailangang napaka popular nito sa iba’t ibang mga lutuin hindi lamang dito sa Pilipinas o Asya, kundi sa buong mundo. Iba’t ibang lahi at kultura ang gumagamit ng bawang sa kanilang mga putahe upang mas lalo pa itong mapasarap. Siyempre dito sa ating bansa, bidang bida rin ang bawang. Sino ba naman ang hindi matatakam kapag naggigisa na ng bawang si Nanay? Lalo na kapag ginawa niya itong sangkap sa adobo, siguradong ubos ang kanin.

Ngunit hindi lamang ang ating mga dila at bibig ang pinapasaya ng bawang. Bukod kasi sa kakayahan nitong mahpasarap ng mga pagkain, ay punong puno rin ito ng mga pakinabang na medikal. Ang gulay na ito ay punong puno ng mga nutritious compounds kagaya na lamang ng Vitamin C, pottasium, magnesium, at manganese, subalit mababa ito sa calories kaya hindi ito nakapagpapataas ng timbang. Bukod pa riyan ay may kakayahan din ang bawang na palakasin ang ating immune system, ang sistema ng ating katawan na pangunahing lumalaban sa mga karamdaman.

Marami pang mga napatunayan ang mga eksperto na mabuting dulot ng bawang sa ating kalusugan. Halimbawa, alam niyo ba na isang kaibigan ng ating puso ang halamang ito? Kaya kasi ng bawang na kontrolin ang ating blood pressure kaya naman ang pagkain ng bawang ay makapagpapa-iwas sa atin sa ibang ibang karamdaman sa puso kagaya na lamang ng hypertension at stroke. Kaya rin ng bawang na kontrolin ng levek ng LDL o bad cholesterol sa ating katawan, na siyang pangunahing nagiging bara sa ating mga ugat. Kapag may bara sa ating mga blood vessel ay mapapagod ang ating puso sa pagpapadaloy ng dugo dito, na nagreresulta naman sa high blood pressure. Kumain ng bawang upang maiwasan ito.

Ang pagkain ng bawang ay malaki rin ang maitutulong sa ating mga brain cells na konektado sa ating memorya. Habang tayo ay lumalaki ay mas nadadagdagan ang ating exposure sa free radicals, kaya naman nagkakaroon ng oxidatives sa ating katawan na konektado sa  ating pagtanda at pagka makalimutin. Sa kabutihang palad, ang bawang may nagtataglay din ng mga antioxidants na siya namang sumisira at pumupuksa sa mga oxidatives na ito. Sa madaking salita, kapag ikaw ay kumukunsumo ng bawang ay mas magkakaroon ka ng malinaw memorya at makakaiwas ka pa sa mga karamdamang may kinalaman sa memory loss kagaya na lamang ng deme tia at Alzheimer’s disease.

Marahil ang pinakamagandang maidudulot ng pagkain ng bawang sa mga tao ay ang kakayahan nitong pumuksa ng mga cancer cells. Ang bawang, pati na rin ang ibang Alliums kagaya ng sibuyas, ay nagtataglay ng bioactive sulfur compounds na nakakapatay sa mga cell na nagdudulot ng cancer. Ang bawang ay pumoprotekto sa tao mula sa pagkabuo ng mga cancer cells dahil bago pa lamang ito magsimula ay napipigilan na ito ng compounds ng bawang. Bukod pa riyan ay nakatutulong din ito sa mga pasyenteng mayroon nang iba’t ibang uri ng cancer tulad na lamang ng breast, pancreatic, colon, at stomach cancer. Ang pagkonumo rin ng bawang ay nagpapababa sa posibilidad na magkaroon ng pancreatic cancer ang isang tao, na isa sa mga pinaka nakamamatay na uri ng sakit na ito.

Dahil sa mga mabubuting maidudulot ng bawang sa ating katawan, marahil ay nasasabik na kayong bumili at isahog na sa inyong pagkain ang bawang upang pakinabangan ang mga benepisyong ito. Subalit, tanging mga organic garlic kamang ang makapagbibigay sa iyo ng mga ito at hindi yung mga nai-proseso na. Sa palengke naman ay maaaring magkaubusan paminsan minsan o kaya naman ay magtaas ang presyo kaya baka mahirapan ka nang makakuha nito. Pero kaibigan, huwag kang malungkot. Hindi mo naman kasi kailangang palaging pumunta sa palenge at bumili ng bawang kahit pa ito’y nagmahal dahil maaari ka namang magtanim nito sa iyong bakuran. Madali lang kung paano, hayaan mo at tuturuan kita.

Paano nga ba magpalaki ng bawang sa ating bakuran? Simple lang ang mga hakbang kaya ano pang hinihintay mo, ilista mo na ang mga ito. Unang hakbang ay hatiin ang bawang sa maliliit na piraso nmga cloves nito at saka ilagay sa medyo malalim na bahagi ng lupa na bahagyang basa at hindi masyadong siksik. Tantyahin mo ang lalim ng pinaglagyan mo ng mga cloves at siguraduhing nakausbong ang matulis na bahagi nito sa lupa. Diligan ito araw araw at alagaang mabuti hanggang sa magbunga na ito. Dahil ang bawang ay isang shrub, hindi ito lalago ng pataas o pagapang, tila uusbong na lamang ito sa lupa. Mayroon itong mga bulaklak na maaari mong lagyan ng langis upang mapanatili ang kulay at lasa ng bawang. Napaka simple lang,  hindi ba?

Minsan, dahil sa kasalukuyang “trends” sa mundo, nakakalimutan natin na mayroon namang mga bagay na hindi na kailangang bilhin dahil pwede namang ikaw na mismo ang lumikha nito. May mga pagkakatao  na inaaasa na lamang natin sa kakayahan ng salapi ang mga bagay bagay at nawawaglit sa ating isipan na gumawa ng ibang paraan. Sana ay bukod sa kabutihang dulot ng bawang, ay ito ang natutuhan ninyo sa sulating ito.

You may also like...