Mga delikadong dahilan kung bakit di mo dapat ilagay sa refrigerator ang itlog

Isa sa mga pinaka-paboritong almusal ng mga tao ay ang itlog. Bukod kasi sa masarap ito at masustansya, madali lang itong lutuin. Kaya naman, kung ikawy ay nagmamadali ngunit gusto mo pa ring kumain ay magprito o maglaga ka na lamang ng itlog. Dahil nga paborito ito ay marami ang nagtatabi ng itlog sa bahay para kung kailanganin man nila ay hindi na sila lalabas at bibili pa. madalilang naman itong itabi at hindi masyadong kokonsumong espasyo dahil maliit lang naman sila. Karaniwan, sa refrigerator itinatabi ang mga itlog upang mapanatili silang sariwa.

Ang mga refrigerator ngayon ay may sariling pwesto para sa mga itlog. Kung mamapnsin ninyo, pagbukas niyo ng ref ay mayroong nakahiwalay na lagayan ng mga itlog sa pintuan nito. Dahil meron ngang ganitong katangian ang mga refrigerator ay ginagamit ito ng mabuti ng mga tao sa pag-aakalang wala naman itong masamang maidudulot, itinatabi lang naman nila ng maayos ang mga itlog. Subalit, dito sila nagkamali, baka nga maging ikaw ay hindi alam ang katotohanang ito. Bagamat ang inyong intesyon sa paglalagay ng itlog sa ref ay upang mapanatili itong sariwa, marami namang banta sa kalusugan ang haharapin mo.

Napatunay sa maraming pag-aaral na ang paglalagayang itlog sa refrigerator ay may masamang maidudulot sa kalusugan ng tao. Kapag kasi nilagay mo sa malamig na lalagyan ang mga itlog ay mas pinatatagal mo ang buhay ng mga bacteria na meron ito. Nabanggit sa mga pag-aaral na ito na mas marami silang nakitang bacteria itlog na nilagay sa ref kaysa sa mga inilagay lamang sa lugar na mayroong room temperature. Dahil nga may namamahay na bacteria ay nagiging kontaminado ang mga itlog kaya hindi na sila ligtas kainin. Isa sa mga delikadong bacteria na ito ay ang Salmonella na isang banta sa kalusugan ng tao. Ang bacteria na ito ay mabilis dumami sa mga lugar na malalamig kaya naman ito ang pinaka-kinababahala sa paglalagay ng itlog sa refrigerator.

Sa Estados Unidos o United State, isang malaking isyu ang kontaminasyon ng Salmonella. Nakapagtala kasi sila ng ng mahigit 23,000 na mga naospital at 450 na namatay dahil sa mga karamdaman na dulot ng bacteria na ito. Karaniwan, ang mga pasyenteng ito raw ay nakaranas ng lagnat, diarrhea, at pananakit ng puson sa loob ng kalahati hanggang tatlong araw. Ang mga kondisyong ito ay maaaring tumagal hanggang isang lingo kung hindi malulunasan kaagad, at posible pang lumala. Pare pareho man ang sintomas, iba iba naman ang degree ng pagkaranas ng mga pasyente nito. Halimbawa na lamang, may mga pasyente na sa sobrang tindi ng kanilang pagtatae ay kailangan nang dalhin sa ospital. Mayroon din namang mga sinisinat lang at hindi nagtutuloy sa lagnat.

Ang mga taong nagka-diarrhea dahil sa Salmonella ay bubuti rin ang pakiramdam kung magagamot ng agaran. Subalit, makakaranas pa rin sila ng mga irregularities sa kanilang bowel movement hanggang sa mga susunod na buwan. Pwede ring maka-develop ng isang long term condition ang isang taong nakontamina ng Salmonella. May mga pag-aaral na nagsabing may mga taong ganito na nagkaroon ng reactive arthritis matapos silang gumaling. Ang ilan ay tumagal ng ilang buwan, ang ilan naman ay taon. Mayroon ding mga hanggang sa sila ay tumanda ay dala na nila ang sakit na ito. Sa kasalukuyan ay wala pang naibibigay na paliwanag kung bakit ito nangyari sa mg pasyente.

 

Karaniwan, mga bata ang madalas na maapektuhan ng Salmonella. Dahil hindi pa masyadong malakas ang immune system ng mga bata, at dahil na rin sila ay madalas kumain, mas malaki ang tyansa nila na magkaroon ng mga karamdamang bunga ng bacteria na ito. Mga bata limang taon pababa ang karaniwang naaapektuhan nito, subalit hindi ibig sabihin nito na hindi na pwedeng maapektuhan ang mga matatanda. Pagkain pa naman ang sinasabi ng mga pananaliksik na pangunahing dahilan ng Salmonella kaya lahat tayo ay may tyansa dito kung tayo’y hindi mag-iingat.

Ang Salmonella ay pwedeng makontamina ang itlog sa dalawang paraan. Una, pwedeng ang bacteria ay magmula sa inahing manok mismo at lumipat sa mga itlog bago pa man sila mailabas. Ang kondisyong ito ay karaniwang nagaganap sa Estados Unidos kung saan ang kanilang mga maliliit na poultry farm ay nakapagpo-produce ng napakaraming itlog. Kahit pa malinis ang kapaligiran sa lupa na iyon, mataas pa rin ang tyansa na magkaroon ng Salmonella ang mga inahin at ipasa ito sa kanilang mga itlog. Ikalawa naman, pwedeng magmula naman ang bacteria sa labas at saka na lamang pasukin ang shell kapag nangitlog na ang inahin. Ang pangyayari namang ito ay posibleng mangyari marahil dahil sa paraan ng pag-iimbak at paghuhugas sa mga itlog.

Ngayon, para tayo ay makaiwas sa kontaminasyon ng Salmonella, ano ano ba ang mga hakbang na dapat nating gawin? Una, mahalaga na ang mga itlog ay nahuhugasan ng maayos. Marahil ay iniisip niyo kung bakit pa kailangang hugasan ang shell nito gayong hindi naman ito ang kakainin natin kundi ang nasa loob nito. Ang mga bacteria kasi ay nananahan sa mga shells kaya kung hindi ito mahuhugasan ay may pagkakataon sila na makapasok at kontaminahin ang egg yolk. Dapat ay maging maingat sa paghuhugas ng itlog dahil kung sa maling paraan ito nahugasan ay posibleng dumami pa ang mga bacteria.

Sa paghuhugas ng itlog, dapat ay medyo mainit ang gagamitin mong tubig, mga nasa 32.2C ang temperature, upang masiguro na mamamatay ang mga bacteria at hindi dadami. Siguraduhing hindi ka gagamit ng malamig na tubig dahil doon sila dumarami.

Food contamination ay isa sa mga nangungunang dahilan ng pagka-ospital ng mga tao. Sa mga ito, Salmonella pa ang pangunahing dahilan ng food poisoning sa maraming bansa.Hindi na nakakabigla ito dahil pagkain na yata ang pinakamadalas nating gawin sa ating buhay. Kaya naman, mahalaga na sa pagbili, paghahanda, at preparasyon ng mga ihahaing pagkain ay makasiguro tayo na malinis ito at walang mga makasasamang bacteria sa ating kalusugan. Mas higit sa lasa ng ating kinakain at kung paano sila mapapanatiling sariwa, mas dapat nating pagtuonan ng pansin ang kalinisan nito upang hindi tayo malagay sa panganib. Kagaya na lamang ng laman ng artikulong ito, sana ay natuto kayo na huwag nang maglagay ng itlog s aloob ng refrigerator para sa ikabubuti ng iyong kalusugan.

You may also like...