Nakakamanghang mangyayari pag naglagay ng sabon sa ilalim ng kama bago matulog

Ang pagtulog ay ang paraan ng ating katawan upang bumawi ng lakas. Sa pamamagitan nito ay nakapagpapahinga tayo ng mabuti upang sa susunod na araw ay epektibo nating magawa ang mga dapat nating gawin. Matapos ang isang nakakapagod na araw na maghapong paggawa, normal lang na sa ating pag-uwi ay halos gumapang na tayo papunta sa ating higaan. Ang sakit at pagod ng katawan ay isang mahaba at maayos na tulog lang ang kailangan. Sa ating pagtulog ay hindi madalas hindi tayo nananatili sa iisang posisyon buong gabi. Karaniwan ay gumagalaw tayo at paiba iba ng pwesto. May mga taong malikot matulog, habang ang iba naman ay limitado lang ang pagkilos. Hindi man tayo gising pang mapansin ang mga maliliit na pagkilos na ito ay buhay na buhay naman ang ating nervous system, na siyang may kagagawan ng mga ito.

Ngunit, bakit nga ba may mga tao na tila hindi mapakali sa kanilang mga pagtulog? May siyentipikong eksplanasyon ba kung bakit mayroong mga paikot ikot sa higaan buong magdamag, na minsan pa ay nagiging dahilan kaya nagigising sila sa kalagitnaan ng gabi? Ang sagot ay oo. Ang paulit ulit na pagkilos ng tao habang natutulog, karaniwan ng kaniyang mga binti, ay sanhi ng isang sleep disorder na tinatawag na restless leg syndrome. Ang taong meron nito ay mayroong “urge” na igalaw ng igalaw ang kaniyang mga binti kahit siya ay natutulog, na inuudyok naman ng nervous system. Ito ay dahil karaniwan sa mga taong nakakaranas nito ay nakakaramdam ng pangangati o pamamanhid sa kaniyang mga binti, kaya naman nagpapadala ng signal ang brain sa mga nerves sa bahaging ito ng katawan kaya ito kumikilos upang ibsan ang pangangati at pamamanhid na nararamdaman.

Ang mga sintomas na ito ay ginagawang hindi komportable ang pagtulog ng isang tao kaya naman habang hindi pa ito nakakaabala sa tulog ng tao ay gumagawa na ng paraan ang brain para mawala ito. Subalit minsan sa sobrang tindi na ng pagkamanhid ay nagigising na ang isang tao. Ito ang dahilan kung bakit minsan ay magigising na lamang tayo sa pakiramdam na parang hindi natin maigalaw an gating mga binti. Yung pakiramdam na para tayong may muscle cramp at hindi man lang natin maunat o mabaluktot an gating binti sa sobrang tindi nito.

Sa panahon ngayon ay napakarami ng mga tao ang mayroong restless leg syndrome. Sa katunayan nga, sampung (10) porsyento ng populasyon ng Estados Unidos ang nakakaranas nito. Karamihan sa sampung porsyentong ito ay mga kababaihan mula sa iba’t ibang edad. Bagama’t maaari rin itong maramdaman ng mga kalalakihan, mas Malaki pa rin ang tyansa na maranasan ito ng mga babae, lalo na yung mga medyo may edad na. Sa kasalukuyan ay wala pa ring naibibigay ang mga eksperto na konkretong eksplanasyon kng bakit nakakaranas ng RLS ang isang tao ngunit, may hypothesis sila na marahil ito ay bunga ng genetics,o namamana mula sa pamilya. Ayon kasi sa kanilang pananaliksik, mahigit kalahati sa mga apektado ng kondisyong ito ay mayroon ding miyembro ng pamilya na nakakaranas nito. Bukod pa dito ay possible rind aw na dulot ito ng sobra sobrang pag-inom ng alak at masyadong pagpupuyat.

Maraming mga inirerekomenda ang mga medical experts upang malunasan ang RLS. Halimbawa na lamang, ang pagbabawas ng pagkonsumo ng alak, caffeine,at sigarilyo ay mabisang paraan.ang pag-inom ng alak kasi ay may epekto sa mga nerves kaya kung babawasan ito ay mababawasan din ang posibilidad na ikaw ay magka- RLS. Maliban sa mga ito, mainam rin na magkaroon ka ng isang regular exercise habbit upang maiwasan ang pamamanhid ng iyong mga binti sa gabi. Sa oras naman mismo na ikaw ay nakakaranas ng cramps ay maaari kang gumamit ng hot o kaya cold packs at ipatong ito sa apektadong binti. Ire- release nito ang tension kaya naman di magtatagal ay babalik na ang iyong mga binti sa normal napakiramdam.

Subalit, mayroong isang nakikilalang solusyon “daw” sa restless leg syndrome. Wala man itong siyentipikong basehan ay napakaraming tao naman na ang nagsasabing sumubok dito at nakamit ang magandang resulta. Isa itong napakadali at murang paraan na tinatangkilik ng maraming mga tao – ang paglalagay ng sabon sa ilalim ng iyong kumot. Oo, isang sabon lang ang sinasabi nilang makakalunas sa RLS. Sa kung sino man ang makakarinig nito marahil ay hindi maniniwala ngunit ito ang totoo. Noong una nga ayhindi pa naniwala ang isang doktor ngunit matapos siyang mag-survey ay nalaman niyang 42% sa mga sumagot ay nagsabing nakatulong nga ang paglalagay ng sabon sa ilalim ng bedsheet sa paglunas sa kondisyong ito.

Sa isang pananaliksik pa nga na gumamit ng isang lavender soap, sinabi ng mga eksperto na kaya marahil nagagawa ng sabon na solusyonan ang restless leg syndrome ay dahil sa natural na angking amoy ng sabon na ito. Ang lavender soap ay mabango, at kung sino man ang makakaamoy nito ay makakaramdam ng pagka- relax. Kapag relaxed ang isang tao ay kumakalma rin ang kaniyang brain at mga nerves, narerelax ang katawan kaya hindi na nakakaranas ng pamamanhid. Bagama’t hindi pa ito tinuturing na “fact” sa siyensya, hindi maitatanggi ang nagawa nito sa kondisyong umipekto sa maraming tao.

Kaya naman kung ikaw ay nahihirapang matulog sa gabi dahil sa restless leg syndrome, walang mawawala kung iyong susubukan ang paggamit ng method na ito. Sa nasabing pag-aaral ay lavender soap ang ginamit ngunit maaari ka pa rin naming gumamit ng ibang uri ng sabon upang lunasan ang RLS. Sa iyong sariling kakayahan ay maaari kang sumubok ng iba’t ibang sabon upang malaman kung ano ang magiging pinaka epektibo sa iyo. Pwede ka ring mag- eksperimento kung saang bahagi ng iyong higaan pinakamainam ilagay ang sabon upang mas maging epektibo ito. Sa ilalim ng bedsheet, malapit sa paa, o kahit saan pa, mas maganda kung ikaw mismo ang susubok dahil hindi naman pare pareho ang kondisyon sa bawat tao.

Totoo man na nakapagpapagaling nga ang paglalagay ng sabon sa higaan upang malunasan ang restless leg syndrome o hindi, ang mahalaga ay ikaw mismo na apektado ay gumagawa ng paraan upang malunasan ito. Ibig sabihin lamang nito na ikaw ay may kamalayan sa kondisyong nararanasan mo at hindi mo ito pinababayaan. Importante ito dahil ang kagustuhan ng tao na gumaling sa kaniyang karamdaman ay ang unang hakbang sa kaniyang agarang paggaling.

You may also like...