Maglagay ng dahon nito sa sulok ng inyong bahay at makikitang mawawala lahat ng ipis

Mahalaga ang ginagampanang papel ng kalinisin sa buhay ng lahat ng tao. Kung malinis tayo sa ating sarili ay mas magiging malusog tayo at makakaiwas sa mga karamdaman at impeksyon. Magiging kasiya siya rin tayo sa ibang tao dahil maayos tayo at pinangangalagaan ang ating sarili. Hindi mahirap sa ibang tao na tayo ay lapitan dahil tayo ay malinis at hindi nila tayo pag-uusapan tungkol sa ”poor hygiene”. Kung tayo naman ay malinis sa ating kapaligiran ay Malaki rin ang tyansa nating hindi magkasakit. Lalo na pagdating sa ating tahanan, mahalaga ito upang mas maging organisado rin ang aing lugar at madali nating matatagpuan ang kung ano mang hahanapin natin.

Kahit sino naman sigurong tao ay gusto na malinis ang kanilang bahay. Yung maaliwalas ang paligid, walang kung ano mang mga nakakalat sa sahig, at walang mga dumi sa dingding. Kaya naman ang mga nanay, todo todo sa paglilinis ng kanilang mga tahana. Paggising pa lamang sa umaga ay nagwawalis na siya upang makasiguro na walang kalat sa lapag. Pagkakakain sa tanghalian ay maglilinis na naman siya dahil baka may mga mumo ng kanin na nalaglag, at hindi magiging kanais nais kung maiiwan itong nakakalat. Minsan nga ay nagagalit pa siyakung makalat tayong kumain. Maghuhugas din siya ng mga punagkainan upang walang mga nakatambak sa lababo, at saka pa lamang siya magpapahinga. Ang ibng may mga estado naman sa buhay ay kumukuha pa ng mga kasambahay upang makatulong sa paglilinis ng bahay.

Masarap naman talaga sa pakiramdam kung paggising pa lang natin sa umaga ay sasalubungin tayo ng malinis na paligid. Masarap kumain kung walang kung ano anong nakakalat sa paligid na kung minsan ay nagiging sanhi pa ng kawalan natin ng gana sa pagkain. Mas masayang makipag- bonding sa pamilya, o kaya naman ay makipaglaro sa mga bata sa sahig kung walang mga dumi at alikabok ang kakapit sa atin. Tunay, napakahalaga nga ang kalinisan, kahit saan ka pa magpunta. Subalit, ang lahat ng ito ay nawawalan ng kabuluhan kung may nakikitatayong mga nakakainis na bagay na isang tanda na hindi natin pinangangalagaang mabuti ang ating bahay. Nagpapainit ito ng gising sa umaga, nakakawala ng gana sa pagkain, at madalas ay natatakot ang mga bata rito. Walang iba kundi ang insektong lumulipad na tinatawag na ipis.

Ang mga ipis ay mga maliit na insekto, mga kulang 2 inches ang karaniwang haba, ay mga nakakadiri, at minsan ay nakakatakot, na mga insektong karaniwang matatagpuan sa mga maruruming lugar gaya ng basurahan. Kung hindi natin sisinuping mabuti an gating tahanan ay hindi malayong pati ang ating bahay ay puntahan na rin ng mga insektong ito. Ang mga ipis ay herbivores, mga nilalang na parehong kinakain ang halaman at karne. Gusting gusto nila ang mga maruruming paligid dahil dito sila nakakakuha ng kanilang mga pagkain. Kapag madilim na ang paligid at nararamdam na nilang wala ng tao ay magsisilabasan na sila upang gawin kung ano man ang kanilang dapat gawin. May mga pagkakataon din na kung may naiwang pagkain sa lamesa ay pupuntahan nila ito. Minsan pa nga ay lumilipad pa sila, na dahilan naman kung bakit takot sa ipis ang mga bata.

Ang mga ipis ay matatagpuan sa halos lahat na bahagi ng mundo. Sila kasi ay kayang makatagal sa mga “extreme” ma kapaligiran at klima. Alam niyo ba na kung magkaroon man ng kaguluhan at sumabog ang mga nuclear bombs ay magagawa pa ring makaligtas ng mga ipis? Ang mga tao ay hindi kakayanin ang nuclear bombs, ang mga hayop sa lupa, dagat, at himpapawid ay mamamatay rin, ngunit ang mga ipis ay mananatiling buhay. Hindi rin sila agad mamamatay kahit sila pa ay mapugutan ng ulo, tatagal pa sila ng mga ilang araw o linggo. Bukod pa riyan aykaya rin nilang mabuhay ng isang buwan kahit wala silang kainin. Kahanga hanga kung tutuusin ang kanilang “vitality”, ngunit problema pa rin sila sa mga tahanan.

Kakaiba rin ang paraan ng paghahanap nila ng pagkain at inumin. Mapapansin ninyona kapag nakakita ka ng isang ipis sa isang lugar, maya maya ay magsisidatingan na ang iba pa. Ito ay dahil nag-iiwan sila ng mga bakas ng kemikal sa mga pagkain o duming hinahalungkat nila, na siya naming sinusundan ng kanilang mga kasamahan. Sa pamamagitan din ito ay nagagawa ng mga ipis na makipag-komunika sa isa’t isa. Kapag nagsama sama na sila sa isang lugar ay tiyak na isang malaking problema ito dahil nakakainis at nakakadiri nga naman kung sa tuwing kakain kay ay maynakikita kang mga ipis na tila ba nagbabantay sa iyo. Kaya naman, kung gusto mong mawala sila sa iyong bahay ay tutulungan ka naming. Ituturo naming sa iyo kung paano itataboy ang mga insektong ito.

Gagamit tayo dito ng isang halaman na masasabi na nating mortal na kaaway ng mga ipis. Kapag naglagay ka ng halamang ito tiyak na hindi ka na makakakita pa ng ipis sa loob ng iyong bahay. Isa ito sa mga pinakamabisang cockroach repellant at iyan ay ang bay leaves. Ang component ng halamang ito ay hindi kemikal na kayang pumatay ng mga ipis ngunit, mayroon itong matapang na amoy na hindi kayang tagalan ng mga insektong ito. Kaya naman, mainam kung maglalagay ka ng mga piraso ng bay leaf sa mga sulok ng iyong bahay. Halimbawa na lamang, upang mataboy sila sa kusina at mapangalagaan ang kalinisan ng ating mga kinakain ay dapat kang maglagay ng mga sampung dahon ng halamang ito. Maaigi rin kung maglalagay ka sa mga taguan ng pagkain, maging sa mga lugar na madalas taguan ng mga ipis.

Bagama’t isang mabisang paraan ang paglalagayn ng dahon, mas magiging mabisa ito kung iyong pipira-pirasuhin at dudurugin ang mga ito at saka ilagay sa mga bahagi ng bahay upang mas lalong tumapang ang amoy nito. Ngunit, wala kang dapat ipag- alala dahil ang ang maganda pa sa bay leaf ay wala itong taglay na toxic na maaaring makasakit sa iyo at sa buong pamilya, kaya naman totoong ito ang solusyon sa iyong problema.

May mga alternatibong solusyon man sa ating mga suliranin, mainam pa rin na tayo’y umiwas na lamang sa pagkakaroon ng mga problema bago pa ito magsimula. Kagaya na lamang sa pagkakataong ito, upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga ipis sa bahay ay dapat na maging malinis tayo sa ating kapaligiran. Matuto tayong maglipgpit ng ating mga gamit upang walang mga insekto o ano pa man ang bumisita sa ating bahay.

You may also like...