Kapag meron kayong gantong klaseng sandals, basahin nyo ito

Napakaraming bilang ng mga tao hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging saan mang parte ng mundo ang nakahihiligan ang iba’t ibang klase ng mga sapatos. Madalas sa mga kalalakihan ang mga kilalang rubber shoes na siyang ginagamit sa kanilang karaniwang ginagawa, o ang sports. Sa kabilang banda, ang mga kababaihan naman ay kilalang kilala pagdating sa kanilang kahiligan sa mga kasuotan nilang pamporma kaya’t madalas sa kanila ay nagsusuot ng napakaraming bilang ng mga sapatos kasama na ang mga sandals na mayroon pang iba’t ibang klase ng mga designs at iba’t ibang kulay pa ang taglay.

Kung iisipin, hindi na talaga maiiwasan ang paggamit ng mga ganitong klase ng kagamitan, at kadalasan, hindi na rin nagagawa pang tignan o suriin kung saan ba ito gawa. Basta ay maganda ang itsura nito, komportable kung gamitin at mayroong dinadala na pangalan at tatak ay ayos na para gamitin at bilhin. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga kababaihan at ng mga tao na ang mga ito ay mayroon din pa lang negatibong epekto lalong lalo na para sa kalusgan ng tao.

Sa artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang isang pagaaral na kung saan nagpapakita na ang mga sandals na pang karaniwang ginagamit ng babae ay nagtataglay ng plastik na kung saan maaring makapagdulot ng ilang uri ng kanser at iba pang klase ng mga sakit. Sabay sabay nating alamin kung ano ito at kung paano maiwasan ang bagay na ito.

Isang siyentipikong pag aaral na siyang nagmula at isinagawa pa sa bansang Germany ang siyang nakatuklas at nakadiskubre na ang sandalas na siyang gawa sa plastic materials ay nagtataglay ng napakaraming amount ng carcinogenic component na maaring maging isa sa mga dahilan ng paglabas at pagkakaroon ng ilang klase ng kanser.

Ibinabalak ng mga siyentipiko na siyang nagsagawa ng pag aaral na patunayan ang resulta ng kanilang pananaliksik na ito at sila ay pumili ng sampung (10) pares ng iba’t ibang klase ng mga sandalas na siyang gawa sa plastic.

Kanilang pinili ang mga pinaka magaganda at nagtataglay ng mga pangalan o brands na siyang madalas bilhin ng mga tao, lalong lalo na ang mga kababaihan. Pagkatapos nito ay kanilang sinuri ang mga sandals na ito sa loob ng kanilang laboratoryo upang mapatunayan ang kanilang pag aaral na isinasagawa.

Namangha ang mga siyentipiko na siyang gumagawa ng pagaaral sa resulta na ipinakita nito dahil ang mga sandals ay nagtataglay ng mahigit kumulang 60% ng PAHs na siyang kilala rin bilang polycyclic hydrocarbons.

Ito ay sinasabing isang matinding klase ng carcinogenic substance at ito rin ay mayroong kakayahan na magdulot ng cell mutation kung ang mga ito ay magagawang pumasok sa loob ng katawan ng tao.

Ito rin ay sinasabi na masyadong nakakasama para sa kalusugan ng tao kapag ito ay nalanghap at madali ring makakapasok ang mga ito sa loob ng katawan sa pamamagitan lamang ng ating mga balat, lalong lalo na kung mayroong open wound sa may bandang paanan.

Idagdag mo pa, ayon sa kanilang pananaliksil na ang itim na sandals daw ay ang mayroong pinakamataas na antas o dami ng PAHs. Mahigit kumulang 70% ng mga pinag aralang sandalas ay mayroong laman na solvent at heavy metals.

Maaring pumasok sa loob ng katawan ng tao ang mga nakalalason at lubhang delikadong mga compounds na ito sa pamamagitan lamang ng ating balat. Kaya kanilan nirerekomenda na magsuot ng medyas o kahit ano mang sapin sa paa bago ang mga nasabing sandals na ito.

Ang kanser ay isang klase ng malalang sakit na siyang may kakayahan upang maapektuhan ang iba’t ibang parte ng kalusugan at katawan ng tao. Kung ang sakit na ito ay magagawang agapan, ito ay maari pang magamot. Ngunit sa kabilang banda, kung ito naman ay mapapabayaan, maari itong magdulot ng kamatayan. Napakaraming bilang ng mga tao sa buong mundo ang nagkakasakit nito at ang ilan sa kanila ay ito na rin ang ikinakamatay, lalong lalo na, wala pang masyadong gamot ang nadidiskubre bilang panlunas sa uri ng sakit na ito.

Lahat ng tao na siyang nabubuhay sa mundong ito, kabilang na ang katawan ng tao, ay sinasabing may mga maliliit na cells na siyang makikita lamang sa tulong ng microscope. Mayroong mga pagkakataon na kung saan ang mga cells na ito ay nag iiba at lumalaki sa isang abnormal na paraan at sila ay nagiging tumor. Mayroong mga tumor na kusang gumagaling at biglang nawawala. Subalit, may iilang bilang din naman na siyang lumalaki, kumakalat at nagiging dahilan pa ng pagkakaroon ng sakit. Ang karamihan sa mga tumor na ito ay hindi nagiging cancer pero may illan din naman sa mga tumor na ito na talagang nauuwi sa sakit na cancer.

Ang cancer ay nagsisimula kapag ang paglaki ng isang cell ay hindi na magawa pang makontrol sa loob ng katawan ng tao. Kung ang sakit na ito ay maagapan, ito ay natatanggal sa pamamagitan at tulong ng isang operasyon, gamot o maging ng radiation, mayroon ding malaking tsansa na ito ay gumaling. Sa kabilang banda, kung ang cancer ay tuluyan ng kumalat sa loob ng katawan, ang paggamot dito ay magiging mas mahirap at nagiging impossible na rin ang paggaling.

Ang cancer sa cervix, suso at matris ang mga pangkaraniwang cancer na siyang nararanasan ng mga babae. Ang iba pang karaniwang uri ng kanser na sa parehong babae at lalaki nangyayari ay ang cancer sa baga, bituka, atay, tiyan, bibig at maging sa balat. .

Kaya’t nararapat lamang na tayo ay maging maingat at maging mapanuri pagdating sa paggamit ng iba’t ibang klase ng mga kagamitan para sa ating katawan upang maiwasan ang pagkakaroon ng cancer o ng iba pang uri ng mga sakit. Hindi purkit ito ay maganda, kaakit akit, may pangalan na dinadala at komportable gamitin ay ayos na. Alamin natin kung saan ito gawa, saan nagmula at ligtas ba itong gamitin. Lagi nating isipin ang ating kalusugan at wag itong babalewalain dahil napakahirap kung tayo ay magkakasakit at napakamahal ng gastusin sa ganitong klase ng mga sakit. Ang ating kalusugan ang ating natatanging yaman kaya narararapat lamang na ito ay ating ingatan ng mabuti at huwag nating itaya ang ating buhay para lamang sa ating mga luho at nais sa buhay.

You may also like...