Mga dahilan kung bakit delikadong kainin ang bahaging ito ng manok

Ang kwento na aming ibabahagi sa inyo ay ipinasa sa amin ng isa sa aming mga taga subaybay. Napaka importante na malaman ng bawat tao ang real life story na ito upang maiwasan na mangyari ito muli. Narito na ang kwento:

Ayon sa taga subaybay, “Ang isa sa mga kaibigan ko ay kumakailan lamang ay nagkaroon ng growth o paglaki sa kaniyang sinapupunan at siya ay inoperahan upang matanggal ang cyst na nasa loob nito. Ang cyst ay sinasabing puno ng dark colored na dugo. Akala niya ay madali lamang siyang makakarekober pagkatapos ng operasyon, pero sa paglipas ng araw, naging masama ang kaniyang kondisyon at kalagayan. Nag relapse siya pagkatapos lamang ng ilang buwan. Pagkatapos nito ay pumunta siya sa kaniyang gynecologist upang malaman ang totoo at makapagpasuri. At sa pagsusuri na ito ay nabigla na lamang siya sa tanong ng kaniyang doktor. Tinanong siya kung madalas siyang kumain ng chicken wings at nung sinabi niya na oo, at bigla na lamang siyang nagtaka kung bakit alam ng doktor niya ang bagay na ito.”

Napakaraming bilang ng mga eksperto sa buong mundo ang nagsasabi na ang mga manok ay kadalasang tinuturukan ng steroids upang mas maging mabilis ang kanilang paglaki para masunod ang pangangailangan ng mga tao na siyang bumibili para sa karne ng manok.

Ang mga manok na ito ay karaniwang tinuturukan ng steroids sa kanilang mga leeg at pakpak. Sinasabi rin na sobrang mataas ang konsentrasyon ng steroids na itinuturok sakanila.

Ano nga ba ang steroids?

Ang Anabolic Androgenic Steroid ay sinasabing madalas na ginagamit ng mga kalalakihan bilang substitute sa kanilang hormone na kilala bilang testosterone. Ang mga ito ay madalas na ginagamit ng mga tao, lalong lalo na ng mga kalalakihan at ng mga tao na siyang kalahok sa sports dahil ito ay mayroong kakayahan na ipromote ang paglago ng kalamnan, mapahusay at gawin itong matibay at maging mapabuti at mabago ang anyo ng kasalukuyang katawan.

Matagal ng ginagamit ang mga steroids, at nagsimula itong gamitin noong taong 1940 na kung saan ito ay ginagamit sa mga military experiments on troops para tuluyang mahubog ang kanilang mga katawan. Hanggang sa paglipas ng panahon ay mas naenhance nila ang kagamitan nito na siyang nakatulong sa ilang bilang ng mga tao. Iba’t iba ang klase ng paggamit nito depende sa pangangailangan ng tao.

Paano naapektuhan ng steroid ang katawan ng tao?

Dahil testosterone ang sinasabing pundasyon ng lahat ng mga anabolic steroid, mayroong mga ilang pagkalahatang mga pahayag na siyang nagsasabi at nagbabahagi sa kung ano ang kayang gawin ng steroid sa katawan ng tao at narito ang iilan sa mga ito:

Katulad na lamang testosterone, ang steroid ay isang sangkap na siyang makatutulong sa pagpapaunlad at pagpapalaki ng kalamnan ng tao. Ito ay maaring gawin sa parehas na katawan ng tao at hayop.

Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng inilalabas na hormone na siyang kilala bilang IGF-1 na siyang may kakayahan upang makatulong sa pagsasaayos ng kalamnan. Sa kabilang banda, nadadagdagan din ang Adenosine Triphosphate or ATP na siyang kilala bilang “gas sa kotse” para sa kalamnan.

Ito rin ay mayroong kakayahan na tumulong para ipromote ang proseso na siyang tinatawag bilang muscular hypertrophy na kung saan ang katawan ay iniaayos ng microscopic tear sa mga kalamnan sa tulong ng mahigpit na pageehersisyo, paggawa ng mas mahusay at mas malakas na fibers sa kalamnan.

Mabilis nitong nirerecover at tinutulungan ang muscular hypertrophy kasabay ng pagtaas ng kalakasan ng buto at pagdami ng bilang red blood cell na siyang ginigenerate ng steroids na siyang tumutulong sa mga gumagamit nito na mas mapaigting pa ang kanilang training at mas magawa ang bagay na hindi nila kadalasang nagagawa noon dahil mas malaki at mas malakas na ang kanilang muscles kung ikukumpara noon.

Ang steroids ay nakatutulong din sa mga taong nagpapaganda ng kanilang katawan na maimprove ang kanilang body mass index. Tinutulungan din nito ang katawan na mabisang iconvert ang nutrients na nakukuha sa muscle tissue na isa pang kilala na kakayahang gawin ng steroid para sa katawan ng tao.

Ang huling resulta nito, ay talagang napapaganda ng steroids ang katawan ng tao at mas naipapakita at napapalakas ang mga muscle na meron ito kaya’t madalas talaga sa mga gumagamit nito ay mga taong involved sa sports at mga kalalakihan.

Ano naman ang negatibong epekto ng steroids sa katawan ng tao?

Kung iisipin ng mabuti, masama naman talaga ang epekto na kayang ibigay ng steroids para sa katawan ng tao dahil pinapalaki lamang nito ang katawan sa biglaan at hindi magandang proseso. Mas delikado ang bagay na ito pagdating sa mga babae dahil madalas itong nagiging sanhi ng pagbabago ng kanilang hormones at baka magkaroon sila ng cyst sa kanilang sinapupunan at suso, kagaya na lamang sa kwento na siyang ibinahagi sa unang parte ng artikel na ito.

Ang bahagi na ito ng artikel na ito ay sumasaklaw sa mga pinaka binibigkas na pangkalahatang epekto ng paggamit ng steroids. Kami lamang ay nagre refer dito sa mga potensyal at maaring epekto nito, ang mga iyon ay hindi talaga tiyak at maaring pantay lang ang maging nasabing epekto sa mga tao sa kahit na anong edad at depende rin sa kasarian.

Ang pinakamahirap na pagusapan pagdating sa mga ganitong bagay ay ang mga negatibong epekto na maaring maidulot ng steroid sa katawan ng tao lalong lalo na ng mga gumagamit nito. Ang iba sa mga negatibong epekto na ito ay maaring humantong sa kamatayan at ang iba naman ay hindi na maiiwasan at malulunasan.

Ang ilan sa mga hindi gaanong malala na epekto nito ay kadalasang nakikita sa mga tao na gumagamit nito kasabay ng paggamit ng ilan pang gamot. Sa panahon ngayon, ang mga eksperto at mananaliksik ay nagsasagawa ng pagaaral sa kung paano nila mababawasan ang negatibong epekto na siyang naidudulot ng steroid para sa katawan ng tao at sa mga taong gumagamit nito.

Ang pinaka mahinang epekto na nagagawa nito sa katawan ng tao ay ang pagkakaroon ng acne, masculinization at hindi pagkakaroon ng sapat at magandang kalidad ng tulog.

Ang ilang negatibong epekto na siyang sinasabi na hindi magugustuhan ng mga tao pero hindi naman nakakabahala para sa kanilang buhay ay ang pagkawala ng kanilang buhok, pagbabago ng kanilang testosterone production, problema sa kanilang kolesterol at maari rin nitong itaas ang presyon ng dugo.

Ang mga mapanganib naman na epekto nito na siyang nagbabanta sa buhay ng tao ay ang kanser sa atay, pagkakapinsala ng atay, pagkabigo ng atay, pagkasira ng puso, sakit sa puso, pagkapinsala ng bato, kidney failure at maging ang testicular cancer.

Kaya’t kinakailangan ng ibayong pagiingat ang paggamit ng mga ito. At kung isa ka naman sa mga taong nababahala na kung palagi bang mayroong steroid ang kanilang kinakain na manok, ay maging mapanuri at mapili sa pagkain na inyong bibilhin. Siguraduhin ang kalidad ng mga ito upang hindi magsisi sa huli.

You may also like...